Home NATIONWIDE Duterte maaaring ipatawag muli sa Senate hearing

Duterte maaaring ipatawag muli sa Senate hearing

MANILA, Philippines – Maaaring ipatawag muli si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na pagdinig ng Senado kaugnay sa extrajudicial killings sa war on drugs ng kanyang administrasyon, ayon kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Sabado, Nobyembre 2.

Sa kabila nito, sinabi ni Pimentel na nakadepende pa rin ito sa susunod na set ng mga witness na inimbitahan ng Senado para sa pagdinig ng Senate blue ribbon subcommittee.

Ani Pimentel, mas gugustuhin pa niyang making sa ibang mga saksi kaysa gisahin si Duterte.

“Many are suggesting that Duterte must return for the second hearing. But I told them, ‘What kind of materials will we have if we only listen to one witness?’” sinabi ni Pimentel sa isang panayam.

“We need to do more in our investigation and listen to other people … We concentrated on only one witness in the first hearing because we don’t expect Duterte to come back,” dagdag niya. RNT/JGC