Home NATIONWIDE Canada may bagong Prime Minister

Canada may bagong Prime Minister

NAKATAKDANG maging susunod na prime minister ng Canada ang bagong halal na bagong lider ng ruling party (Liberal Party) na si Mark Carney.

Nakakuha kasi si Carney ng 85.9% na boto sa leadership election ng partido.

Ayon sa data na inanunsyo sa party congress, si Chrystia Freeland ay nakatanggap lamang ng 8% na boto.

Kapuwa naman nakakuha ang Canadian government leader sa House of Commons (lower house ng parliament) Karina Gould at Liberal MP Frank Baylis ng tig- 3%, isinahimpapawid naman ng National TV channels ang sesyon.

Iyon nga lamang, makakaupo lamang si Carney bilang prime minister kapag nagsumite na ng kanyang letter of resignation si Justin Trudeau kay Governor General of Canada Mary Simon, inaasahan naman na sa lalong madaling panahon. Iimbitahan naman ni Simon si Carney na bumuo ng gobyerno at manumpa na sa tungkulin.

Ang susunod na parliamentary elections sa Canada ay nakatakda sa Oktubre 20.

Gayunman, inaasahan na iaanunsyo ni Carney ang maagang eleksyon, posibleng sa panahon ng tag-sibol.

Sa Marso 24, ipagpapatuloy na ng national parliament ang kanilang trabaho, makapagbibigay sa new prime minister ng isang ‘vote of confidence.’

Iyon nga lamang, dahil hindi na hawak ng Liberals ang mayorya sa gobyerno at ang kanilang long-time allies sa New Democratic Party ay nag-anunsyo na hindi na nila susuportahan ang ruling, ang tsansa ng matagumpay na vote of confidence ay manipis.

Noong nakaraan taon, nagdesisyon si Trudeau na balasahin ang kanyang gabinete, inalis si Chrystia Freeland mula sa papel nito bilang deputy finance minister.

Si Freeland, mahigpit na nagtrabaho sa prime minister simula pa noong 2015, kinonsidera na ang desisyon ay isang pagtataksil o pagkakanulo at pagkatapos ay nagbitiw sa puwesto.

Bumaba rin sa kanyang puwesto si Housing, Infrastructure, and Communities Minister Sean Fraser para sa personal na kadahilanan.

Bilang resulta, may ilang kapwa party members at opposition leaders ang nanawagan kay Trudeau na magbitiw na sa puwesto sa paniniwala na nawalan na siya ng kontrol sa kanyang gobyerno.

Dahil dito, napilitan si Trudeau na ianunsyo na bababa siya sa puwesto bilang lider ng Liberal Party of Canada at magbibitiw bilang prime minister, subalit, kung may mapipili lamang na bagong Liberal leader.

Hinawakan ni Trudeau ang posisyon bilang head of government simula 2015. Kris Jose