MANILA, Philippines – Tiniyak ng PAGASA na hindi kasing tindi ng El Niño noong 2024 ang mararanasang tag-init ngayong taon, na nagdala ng record-breaking na init.
Ayon kay PAGASA spokesperson Ana Liza Solis, bagamat makakaranas pa rin ng mainit na panahon, hindi ito kasing init ng nakaraang taon.
Maaaring umabot ang heat index sa 48–50°C sa huling bahagi ng Abril hanggang unang linggo ng Mayo, pero hindi inaasahang aabot sa 40°C ang aktwal na temperatura. Ang matinding 52°C heat index noong nakaraang taon ay posibleng mangyari lamang sa ilang lugar.
Wala pang opisyal na deklarasyon ang PAGASA sa pagsisimula ng tag-init, bagamat ramdam na ang pagtaas ng temperatura sa bansa. Santi Celario