Home HOME BANNER STORY Canlaon City isinailalim sa state of calamity sa pagsabog ng Bulkang Kanlaon

Canlaon City isinailalim sa state of calamity sa pagsabog ng Bulkang Kanlaon

MANILA, Philippines – Inilagay na sa state of calamity ang Canlaon City sa probinsya ng Negros Oriental kasunod ng pagsabog ng bulkang Kanlaon.

“We were told that the city of Canlaon in Negros Oriental already declared a state of calamity pero [but] we have yet to receive ‘yung kanilang [their] official copy of the resolution,” pahayag ni Office of Civil Defense (OCD) spokesperson Edgar Posadas.

Nitong Martes ng umaga, Hunyo 4, pinangunahan ni Canlaon City Mayor Jose Chubasco Cardenas ang pagpupulong ng local disaster risk reduction and management kung saan pinag-usapan nila ang rekomendasyon na ideklara ang state of calamity sa lungsod.

Sa ngayon, limang barangay sa lungsod ang apektado ng pagsabog ng bulkan. Ito ay ang barangay Pula, Masulog, Malaiba, Lumapao, at Linothangan.

Nauna nang naglabas si Cardenas ng executive order na nagdedeklara ng agarang mandatory evacuation sa lahat ng mga residente na naninirahan sa tatlong metro mula sa mga river downstream mula sa bulkan.

“[T]he rivers downstream from the volcano are at risk of flash floods, mudflows, and other hazards due to volcanic ash deposition and potential lahars,” saad sa kautusan.

Itinaas ng PHIVOLCS ang babala sa Bulkang Kanlaon mula sa Alert Level 1 patungo sa Alert Level 2. Nangangahulugan na may ‘increased unrest’ dulot ng “shallow magmatic processes could eventually lead to further explosive eruptions or even precede hazardous magmatic eruption.” RNT/JGC