Home NATIONWIDE Imelda Papin itinalaga bilang acting member ng PCSO board

Imelda Papin itinalaga bilang acting member ng PCSO board

MANILA, Philippines – ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Imelda Papin, tinaguriang Asia’s Sentimental Songstress bilang acting member ng Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Nanumpa sa kanyang tungkulin si Papin sa harap ni Pangulong Marcos, araw ng Martes, Hunyo 4.

Matatandaang, buwan ng Abril nang umugong ang balita na itatalagang chairperson ng PCSO si Papin.

“Umuugong po ang balita na ako po’y ilalagay sa PCSO. Pero, may nagsabi po kasi sa akin na, ‘Hintay-hintay ka lang!’” natatawa niyang pahayag.

“Kung ako po’y mailalagay sa PCSO, e, di salamat sa Diyos makakatulong ako lalo sa mga nangangailangan. Maghintay lang daw nang konti.”

Samantala, sinasabing malapit si Papin sa pamilya Marcos, kaya’t posible na maitalaga siya sa anumang posisyon sa gobyerno. Kris Jose