Home METRO Car dealer nalambat sa P2M tobats sa buy-bust

Car dealer nalambat sa P2M tobats sa buy-bust

99
0

MANILA, Philippines- Nahulihan ang isang 43-anyos na car dealer ng mahigit P2 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation na inilunsad ng Antipolo Police Station at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ng mga pulis ang suspek na si “Unyo,” residente ng Barangay San Roque, Antipolo City. Tinukoy siyang isang high-value individual at aktibong drug pusher.

Nadakip si Unyo matapos magbenta ng P3,000 halaga ng shabu sa isang police poseur-buyer.

Nakuhanan ang suspek ng 310 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,108,000 at iba pang drug paraphernalia.

Dinala na ang mga nakumpiskang ebidensya sa Rizal Provincial Crime Laboratory Office (SOCO) para sa pagsusuri, habang isinailalim ang suspek sa kustodiya ng mga pulis.

Maghahain ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here