MANILA, Philippines – Nagdulot ng mahigit P64.4 milyon na pinsala sa agrikultura at nagpalikas ng libu-libong pamilya ang shear line na nakaapekto sa rehiyon ng Caraga, ayon sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC-13).
Pinakaapektado ang Agusan del Sur dahil sa malawakang pagbaha na sumira sa mga pananim at imprastraktura.
Umabot sa P4 milyon ang iniulat na pinsala sa imprastraktura, na nakaapekto sa 43,380 pamilya (156,755 katao) sa 133 barangay.
Nagbigay ang mga lokal na pamahalaan ng mahigit PHP8.3 milyon na tulong sa pagkain, habang namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD-13) ng 5,015 family food packs sa mga pinakaapektadong lugar: 2,479 sa Prosperidad, 743 sa Esperanza, at 1,793 sa La Paz.
Patuloy ang relief efforts dahil sa matinding pag-ulan at pagbaha sa rehiyon. RNT