Home HOME BANNER STORY 2 pilotong nasawi sa pagbagsak ng fighter jet, pinarangalan ng AFP

2 pilotong nasawi sa pagbagsak ng fighter jet, pinarangalan ng AFP

MANILA, Philippines – Pinarangalan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF) FA-50PH fighter jet matapos matagpuan ang kanilang mga katawan at ang nasirang eroplano sa Mount Kalatungan range sa Bukidnon.

Naunang naiulat na nawawala sina Maj. Jude Salang-oy at 1Lt. April John Dadulla matapos lumipad ang kanilang eroplano mula Mactan, Cebu, noong Marso 4, 2025, para sa isang misyon ng suporta laban sa mga rebeldeng komunista.

Natagpuan ang wreckage malapit sa hangganan ng mga bayan ng Pangantucan at Talakag. Inatasan ang 1st Special Forces Battalion ng 403rd Infantry Brigade na kunin ang mga labi, na dadalhin sa isang landing zone at ia-airlift gamit ang isang PAF helicopter.

Si Salang-oy ay delegado sa 2023 International Aerospace Symposium sa South Korea, habang si Dadulla ay tubong Manolo Fortich, Bukidnon.

Lubos na nagdadalamhati ang kanilang pamilya at mga kasamahan. Pansamantalang pinatigil ng PAF ang paglipad ng kanilang FA-50 fleet at nangako ng masusing imbestigasyon sa insidente. RNT