Home METRO BFP sa publiko: Sunog iulat muna bago vlogging

BFP sa publiko: Sunog iulat muna bago vlogging

TULONG-TULONG sa pag-apula ng sunog ang mga bumbero matapos sumiklab ang sunog sa mga kabahayan sa Sitio Masagana, Brgy. Alabang na tinatayang aabot sa mahigit 2 milyon halaga ng mga ari-arian ang naabo at 120 katao ang nawalan ng tirahan. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Bureau of Fire Protection sa Northern Mindanao (BFP-10) sa publiko na unahin ang pag-uulat ng sunog kaysa pagpo-post nito sa social media o pagba-vlog nito.

Ipinahayag ni Fire Chief Superintendent Romel Tradio ang kanyang pag-aalala sa dumaraming insidente ng mga bystander na inuuna ang pagkuha ng video sa halip na tumawag agad sa emergency services.

Binigyang-diin niya na ang pagtawag sa 911 ang pinakamabilis na paraan upang iulat ang sunog, na makakatulong sa pag-iwas sa mas malaking pinsala at pagligtas ng buhay.

Inilahad ni Tradio ang panawagang ito sa paglulunsad ng National Fire Prevention Month sa Cagayan de Oro City.

Idinagdag din niya na patuloy na nakikinabang ang BFP-10 sa modernisasyon ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga kagamitan at pagsasanay para sa mas mabilis na pagresponde sa emergency. Santi Celario