Home NATIONWIDE Career pathways para sa skilled Filipino workers, binuksan ng Finland

Career pathways para sa skilled Filipino workers, binuksan ng Finland

295
0

MANILA, Philippines – Maaaring magkaroon ng matatag at pangmatagalang trabaho sa Finland ang mga Filipino professionals sa pamamagitan ng Philippines-Finland Friendship Week, na nagtataguyod ng ethical recruitment at transparent na hiring practices.

Ayon kay Joonas Halla, Business Development Manager ng Work in Finland, tinitiyak ng programa ang ligtas na proseso, residence permits, at buong karapatan sa trabaho, para maayos na makapag-integrate ang mga Filipino sa lipunang Finnish.

Apat na Finnish firms—Bondata, Silkkitie, Amiko, at Barona—ang nakikipag-ugnayan sa Department of Migrant Workers (DMW), OWWA, IOM, at accredited recruitment agencies para masiguro ang ligtas at patas na hiring.

Gaganapin ang job fair sa Megatrade Hall, SM Megamall (Mega B) na may oportunidad sa hospitality, services, at industrial roles gaya ng welder at CNC machinist. Kailangang magparehistro sa DMW Job Fair Portal ang mga interesadong aplikante.

Ayon kay Elina Santalahti ng Barona, higit 15 taon na silang ethically nagre-recruit ng Filipino professionals, pinaghihilom ang Finnish companies at international talent habang sinusuportahan parehong employer at manggagawa.

Haharapin ng Finland ang workforce turnover, kung saan halos kalahati ng empleyado ay magreretiro pagsapit ng 2040, na lilikha ng pangangailangan sa 1.37 milyong bagong manggagawa.

Binanggit ni Rebekka Kiljunen ng Bondata ang pangmatagalang trabaho at suporta sa mga manggagawa, habang tiniyak ni Halla ang equal pay, full labor protections, at karapatan mula unang araw ng trabaho.

Ipinagbabawal ng pamahalaang Finnish ang recruitment agencies na maningil ng placement fees, at itinuturing na seryosong paglabag ang anumang paglabag dito. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here