Home METRO Caretaker tiklo sa P3.4M shabu sa Pangasinan

Caretaker tiklo sa P3.4M shabu sa Pangasinan

MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang caretaker ng isang construction company matapos makuhanan ng P3.4 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Rosales, Pangasinan nitong Sabado, Marso 23.

Ayon kay Police Brig. Gen. Lou F. Evangelista, Police Regional Office-1 director, ang 45-anyos na suspek mula sa Navotas City ay ikinokonsiderang high-value individual.

Dinala na sa Rosales Municipal Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

Previous articleBantay ng game farm, itinumba sa harap ng live-in partner
Next articleGunrunner nabitag sa Negros