Home METRO Bantay ng game farm, itinumba sa harap ng live-in partner

Bantay ng game farm, itinumba sa harap ng live-in partner

MANILA, Philippines – Itinumba sa harap ng live-in partner nito ang caretaker ng isang game farm sa Barangay Concepcion, Talisay City, Negros Occidental nitong Biyernes, Marso 22.

Kinilala ang biktima na si Felix Baylocon, 29-anyos.

Ayon kay Police Major Wilfredo Benoman Jr., deputy chief ng Talisay City Police Station, nagkakape ang biktima kasama ang live-in partner nito sa game farm nang dumating ang 21-anyos na suspek at barilin siya.

Hindi naman nasaktan ang live-in partner nito.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril ang biktima sa kaliwang balikat at leeg nito.

Ani Benoman, naaresto ang suspek sa Barangay Granada ilang oras matapos ang insidente.

Aniya, namataan sa lugar ang suspek sa isang dragnet operation sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga saksi.

Narekober sa suspek ang .38 caliber revolver na may apat na bala at holster. Isasailalim ito sa paraffin test.

Inaalam pa ang motibo sa pamamaril. RNT/JGC

Previous articleBatang babae sinaksak sa paaralan
Next articleCaretaker tiklo sa P3.4M shabu sa Pangasinan