Home METRO Batang babae sinaksak sa paaralan

Batang babae sinaksak sa paaralan

MANILA, Philippines – Sugatan ang anim na taong gulang na babae matapos na saksakin ng isa umanong lalaki na may problema sa pag-iisip sa paaralan sa Barangay Linao, Kabankalan City, Negros Occidental nitong Sabado, Marso 23.

Ayon kay Police Lt. Col. Roberto Indiape Jr., Kabankalan police chief, ang biktima ay naglalaro sa paaralan kasama ang iba pang mga bata nang dumating ang 34-anyos na suspek at saksakin siya ng ice pick sa dibdib.

Ani Indiape, isinugod ang bata sa ospital sa Kabankalan habang nakatarak ang ice pick sa dibdib nito.

Kalaunan ay inilipat siya sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital (CLMMRH) para sa mas maayos na gamutan.

Hinabol ang suspek hanggang sa makorner ito sa Barangay Camugao.

Sa impormasyon, nagawang makapasok sa loob ng paaralan ang suspek dahil bukas ang gate nito at wala ring klase nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Indiape, nagalit ang suspek nang asarin siya ng mga tao kung kaya’t ang napagbalingan ay ang bata.

Nakadepende umano ang paghahain ng kaukulang kaso laban sa suspek depende sa medical status ng biktima.

Target ng pulisya na maghain ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act laban sa suspek. RNT/JGC

Previous articleEmpleyado ng QC hall arestado sa extortion
Next articleBantay ng game farm, itinumba sa harap ng live-in partner