Home METRO Security agency owner todas sa pamamaril ng nagpanggap na aplikante

Security agency owner todas sa pamamaril ng nagpanggap na aplikante

MANILA, Philippines- Patay ang may-ari ng security agency nang pagbabarilin ito sa loob ng kanyang opisina ng isang nagpanggap na aplikante bilang security guard sa Camarin, Caloocan City.

Batay sa ulat nitong Biyernes, sapul umano ng dalawang tama ng bala sa ulo ang lalaking negosyante, 42, sa Barangay 172.

Bago maganap ang insidente ay nahagip sa CCTV ang salarin sakay ng motorsiklong walang plaka patungo sa opisina na pinangyarihan ng krimen.

Inilarawan ng Caloocan Police Investigation and Detective Management Section ang suspek na 5’4 hanggang 5’6 ang tangkad, nakasuot ng sweat shirt, at may kapayatan.

Gumugulong na ang imbestigasyon sa krimen. RNT/SA