Home NATIONWIDE Empleyado ng QC hall arestado sa extortion

Empleyado ng QC hall arestado sa extortion

MANILA, Philippines – Arestado ang isang empleyado ng Quezon City Hall dahil sa extortion sa isinagawang entrapment operation na pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group nitong Sabado ng gabi, Marso 23.

Huli sa akto ang isang lalaki na 56-anyos na supervisor ng QC Engineering Office na tumatanggap ng marked money na nagkakahalaga ng P5,000 cash at P700,000 tseke sa loob ng isang fast food chain sa Visayas Avenue.

Ang complainant, ay isang 47-anyos na Filipino-Chinese businessman, kung saan pinangakuan umano siya ng suspek na tutulungang makakuha ng lahat ng kailangang permit para sa warehouse ng kanyang pet food business, kabilang ang building at business permits, zoning, at certificate of exemption, kapalit ng salapi.

Aabot sa P1.5 milyon at P1.1 milyon ang naideposit na ng biktima sa suspek noong 2022, na sasakop umano sa lahat ng mga dokumento.

Sa kabila ng mga naibayad, wala pa ring nailalabas na dokumento sa kanya.

Noong Marso 15, kinontak umano siya ng suspek at sinabing nanghingi na naman ito ng P1.7 milyon.

Nagkasundo ang dalawa na P700,000 na lamang, na agad namang ipinagbigay-alam sa pulis. RNT/JGC

Previous articleCrackdown vs colorum vessels, pinaigting ng PNP, PCG
Next articleBatang babae sinaksak sa paaralan