Home NATIONWIDE Crackdown vs colorum vessels, pinaigting ng PNP, PCG

Crackdown vs colorum vessels, pinaigting ng PNP, PCG

MANILA, Philippines – Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang maritime police na tulungan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa operasyon laban sa mga colorum na barko o bangka kasabay ng pagdagsa ng milyon-milyong pasahero sa mga pantalan ngayong Semana Santa.

Tutulong ang mga pulis sa PCG sa pagmonitor ng mga overload na passenger vessels.

“Pati na rin ‘yung local police to make sure that ‘yung mga port na maliliit lalo ‘yung mga walang coast guard, bantayan ang paglalayag ng ating mga vessels na lalo sa tingin niyo ay overcrowding,” ani Acorda.

“Let us make sure that all these vessels are within the allowed number of passengers and safe.”

Sa ginanap na inter-agency meeting sa Camp Crame sa Quezon City nitong Biyernes, sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na limitado ang kanilang manpower para imonitor ang mga illegal na sasakyang pandagat.

“Ang gagawin namin ay maghihigpit, magiging visible, pero ang importante rito talaga ‘yung cooperation ng public at saka yung tulong na rin ng PNP kung sakaling walang coast guard na maaring magsawata doon sa mga colorum vessels,” sinabi ni Balilo.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, naka-heightened alert na ang lahat ng unit mula ngayong araw, Marso 25 hanggang Abril 1.

Aniya, mayroong 52,273 pulis ang ipakakalat sa mga simbahan, commercial areas at iba pang convergence points.

Bahagi rin ng security contingent ang Armed Forces of the Philippines, Metropolitan Manila Development Authority, Department of Health, Department of Transportation at Land Transportation Office. RNT/JGC

Previous articlePBBM sa mga Katoliko ngayong Semana Santa: Maging mabuti, ‘wag makasarili
Next articleEmpleyado ng QC hall arestado sa extortion