Home NATIONWIDE Cargo facility sa NAIA, ininspeksyon ng BOC

Cargo facility sa NAIA, ininspeksyon ng BOC

1
0

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ang inspeksyon sa Paircargo facility sa NAIA Terminal 1 noong Hulyo 15 upang suriin ang matinding pagsisikip ng mga kargamento matapos isara ang isang bodega para sa pagtatayo ng bagong NAIA Terminal 4.

Sinalubong siya nina Paircargo Composite Team Chief Dr. Siegfred L. Manaois, Assistant Subport District Collector Irene Moreno Concio, at sinamahan ni NAIA District Collector Atty. Maria Yasmin Obillos Mapa.

Ayon kay Nepomuceno, layunin ng inspeksyon na maresolba ang pagkaantala sa paglabas ng mga kargamento na nararanasan ng mga customs broker.

Inatasan niya ang Paircargo Management, Manila International Airport Authority (MIAA), at New NAIA Infra Corp. (NNIC) na magkaroon ng mas maayos na koordinasyon upang agad mabawasan ang cargo congestion.

Sinabi rin ng commissioner na nakaapekto na ang backlog sa maayos na daloy ng mga shipment sa ilalim ng customs jurisdiction, kaya kailangan ang agarang aksyon upang maibalik ang episyenteng cargo handling sa NAIA. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here