MANILA, Philippines – Nabalahaw ang isang cargo ship sa mababaw na bahagi ng tubig sa dalampasigan ng Camarines Sur, sinabi ng Philippine Coast Guard nitong weekend.
Sa pahayag mula sa Coast Guard District Bicol, 13 Filipino seafarers na nagsisilbing crew ng LCT Golden Phoenix ay idineklarang “safe and in good health” matapos ang insidente noong Agosto 7.
Ayon sa Coast Guard, nagdulot ng aksidente ang kombinasyon ng malakas na hangin at current ng dagat sa Barangay Matandang Siruma sa San Miguel Bay
Sakay ng barko ang mga construction material nang mangyari ang aksidente.
Agad na rumesponde ang PCG matapos mabalitaan ang insidente at nakipag-ugnayan na sa lokal na barangay.
“Initial attempts to conduct a full inspection were deferred due to unfavorable sea conditions. The ship’s captain and shipping company representatives have since taken immediate action, including arranging for a hull inspection by divers and preparing necessary documentation for maritime procedures,” sinabi ng PCG.
Wala namang iniulat na insidente ng oil spill bagamat patuloy ang pagmonitor ng PCG sa lugar. RNT/JGC