MANILA, Philippines- Nasunog ang isang cargo vessel sa karagatan ng northwest ng Limbones Island sa Nasugbu, Batangas, araw ng Linggo, Marso 30.
Sa ibinahaging report ng Philippine Coast Guard (PCG), maagap na rumesponde sa sunog sa MV CASTPHILL XV bandang alas-4:27 ng umaga.
Matagumpay na nailigtas ng mga tauhan ng PCG sakay ng BRP Boracay (FPB-2401) ang pitong crew kabilang ang kapitan ng barko na nagtamo ng minor injuries.
Kinilala ang mga crew na sina:
1. Mr. Darwin Putic (Captain), 46 taong gulang
2. Mr. Ronald Rafol, 42
3. Mr. Harold Gamos, 45
4. Mr. Romnick Sulano, 34
5. Mr. Reyden Gamos, 37
6. Mr. Manuel Munez, 48
7. Mr. Ronald Danao, 58
Bandang alas-7:35 ng umaga,naiiligtas ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Maragondon ang karagdagang limang tripulante na agad dinala sa ospital para sa atensyong medical.
Kabilang sa mga crew sina:
1. Mr. Lawrence B. Faeldo, 38 taong gulang
2. Mr. Elfren F. Fabello, 35
3. Mr. Marcelo Oftana Jr., 32
4. Mr. Arturo Ysug, 49
5. Mr. Limuel Fababier, 45
Dinala ng BRP Boracay ang mga crew sa Pier 15 South Harbor sa Maynila at itinurn-over sa Coast Guard Medical Service (CGMED) para sa kaukulang medical evaluation.
Muli namang pinagtibay ni PCG Admiral Ronnie Gil Gavan ang pangako ng PCG na tiyakin ang kaligtasan sa dagat at agad na tumugon sa mga emerhensiya sa dagat. Jocelyn Tabangcura-Domenden