Home ENTERTAINMENT Ate Vi, tinawag na laos!

Ate Vi, tinawag na laos!

Manila, Philippines- Kung wala ka rin namang showbiz kunek, huwag mo na ipilit ang iyong sarili para pasaringan ang kalaban mo sa pulitika.

Magandang aral ito na dapat matutunan ng gubernatorial candidate na makakalaban ni Vilma Santos.

Obyus na naghahanap ang taong ito named Jay Ilagan (kapangalan ng dating mahusay na aktor na pumanaw na) ng showbiz kunek para isulong ang kanyang ambisyon.

Sukat ba namang paratangan niya ang Star for All Seasons ng “laos”?

Hindi lang ‘yan, ni-namedrop pa ng taong ‘yon ang dalawa sa mga pinakasikat na artista sa ngayon.

Pagmamalaki kasi niya, hindi raw siya natatakot banggain si Vilma.

“Kung si Nadine Lustre o Kathryn Bernardo pa siya (Vilma), baka matakot pa ako!” pagyayabang ni llagan base sa video.

Kinallangan pa niya talagang gamitin sina Nadine at Kathryn sa pangangampanya niya?

Bakit hindi ibida ni llagan ang mga credentials niya para kumbinsihin ang mga BatangueƱo na iboto siya?

Bakit paninira ng kalaban ang bulok niyang estilo?

Dahil ba sa paraan lang niya ito lalabas siyang “magaling” pero at the expense of Ate Vi?

Pero sorry na lang, Mr. llagan, hindi ka para pag-aksayahan ng panahon ni Vilma!

Kung tutuusin nga, hindi na kailangang i-hype ni Vilma ang kanyang mga achievements sa lokal na pamahalaan as her record speaks for itself.

And the audacity, ha?

Tinawag mong laos si Vilma?

Sa halip ngang kabuwisitan ka ng kanyang mga tagahanga, pinagtatawanan ka lang ng mga ito!

O, Mr. Ilagan…”ilagan” mo na rin ang resbak nila sa iyo! Ronnie Carrasco III