Home ENTERTAINMENT Carla may hanash sa pagkakaroon ng anak ni Tom!

Carla may hanash sa pagkakaroon ng anak ni Tom!

289
0

Manila, Philippines – Inilantad ni Tom Rodriguez ang kanyang anak noong November 2024.

Named Korben, hango ang pangalan ng bata sa nirambol na salitang “broken.”

Pero base sa aura ni Tom, he’s far from projecting an air of brokenness.

Non-showbiz ang ina ni Korben, whose whole face ay hindi ipinapakita ni Tom sa social media — even how his partner looks, let alone her name.

Gayunpaman, walang dudang proud dad ang aktor.

Ano kaya ang masasabi ng dati nitong asawang si Carla Abellana?

“Eh, ’di good for him,” sey ng aktres.

Ang pagkakaroon daw ng anak ay maituturing na blessing mula sa Itaas.

“You have to embrace it!” aniya pa.

Since napatawad na niya si Tom, hindi maiiwasang magkrus ang kanilang landas lalo’t iisang mundo lang ang kanilang ginagalawan.

How about a project together — TV man o pelikula?

“I’m not yet ready,” prangkang tugon ni Carla, in much the same way na hindi pa raw siya handang makipagkaibigan kay Tom.

(Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here