Home ENTERTAINMENT Carla, pinutulan ng water supply, umalma!

Carla, pinutulan ng water supply, umalma!

160
0

Manila, Philippines- Kabilang din pala si Carla Abellana sa mga may hanash o reklamo laban sa isang controversial na water company.

Kundi kasi kawalan ng water supply, inaalmahan din ng ilan nating mga mamamayan ang masansang na amoy ng tubig nito.

Pero tila palaban na si Carla nang ipost niya sa Instagram ang notice of disconnection na natanggap niya mula sa nasabing kumpanya.

Itinigil kasi ang supply ng tubig nito sa Tagaytay property ng Kapuso actress.

Pero sa halip na palagan ang disconnection notice gayong hindi naman pumapalya ang aktres sa pagbabayad ng bills ay sinagot pa niya ito.

Post ni Carla: “Okey lang po dahil halos araw-araw naman ay walang tubig.”

Kalakip nito ang kanyang payment sa nakonsumo.

Inaasahang marami pang celebrity ang lalantad gamit ang kanilang mga social media account para ikundena ang palpak na serbisyo ng water company.

Nakakahiya! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here