Home ENTERTAINMENT Lea, biktima ng AI, umalma!

Lea, biktima ng AI, umalma!

New York, USA – Ang Broadway star na si Lea Salonga ang latest na nabiktima ng deepfake clip gamit ang Al o artificial intelligence.

Ikinabahala nga ni Lea ang paglaganap nito, describing Al as scary.

Kaya naman nanawagan siya sa mga mamamayan to be vigilant o maging alisto.

In her case, agad niyang nilinaw ito sa Facebook immediately after she got a message from her aunt na taga-Maynila.

Ayon sa kanyang tiyahin, nakapanood daw ito ng video kung saan naka-wheelchair ang pamangkin.

Dala raw ‘yon ng arthritis.

Agad na pinalagan ‘yon ni Lea na nakakaranas daw ng minor aches dala ng trabaho.

But she denied having been strapped to a wheelchair.

Kung matatandaan, taong 2024 noong mabiktima sila ni Sharon Cuneta ng maling impormasyon.

Earlier, maging ang It’s Showtime host na si Amy Perez ay hindi rin nakaligtas sa deepfake clip.

Using Al, kaya nitong gayahin ang mukha at boses ng isang celebrity making it appear na nag-eendorso sila ng produkto na hindi naman totoo. Ronnie Carrasco III