Home ENTERTAINMENT Robin, ayaw na sa action, mas bet gumawa ng drama!

Robin, ayaw na sa action, mas bet gumawa ng drama!

Manila, Philippines 1 Sa tono ng pananalita ni Sen. Robin Padilla ay obyus na may halong comedy nang magbitaw siya ng salitang ayaw na niyang gumawa ng mga action movies.

Ever since he began nga naman ay hindi na siya nakakawala sa ganitong tema ng mga pelikula.

Turning 56 this November, for a change ay gusto naman niyang gumawa ng mga drama films.

Take note, hindi lang basta drama kundi marami pang kissing scenes.

Kasama ito sa pagbabalik-tanaw ng aktor-pulitiko sa mga seryosong pelikulang ginawa niya noon.

Isa roon ay katambal ang noo’y dalaga pang si Regine Velasquez.

Special mention din ang 1991 first romcom movie nila ni Sharon Cuneta.

For the record daw kasi, tumabo ito ng P150M.

“Ewan ko ba kung bakit gusto pa nila akong mag-aksyon!” ani Robin.

Ang Maging Sino Ka Man daw nila ng Megastar ang lalong nagpasikat sa isang Robin Padilla.

Whereas he already had a name ay iba raw ang nagawa ni Sharon na lalong nagpaningning ng kanyang bituin.

Similarly, ganoon din daw ang nangyari sa KathNiel loveteam.

Si Daniel Padilla ay pamangking buo ni Robin.

Si Kathryn Bernardo rin daw ang humatak paitaas kay Daniel: “Alam ng mga Padilla ‘yon kaya ganoon na lang ang paggalang at pasasalamat namin kay Kathryn!”

Naniniwala rin si Robin that in no time will Kathryn and Daniel get back together.

Parang malabo kung si Kathryn ang masusunod lalo at may nali-link nang mayor sa kanya. Ronnie Carrasco III