Manila, Philippines- Tulad ng inaasahan, Box Office King and Queen sina Alden Richards at
Kathryn Bernardo sa katatapos lang na 53rd Box Office Entertainment Awards.
Organized by the Guillermo Mendoza Memorial Foundation, tinanghal na biggest winners ang dalawa para sa sequel ng Hello Love Again na Hello Love Goodbye.
No show si Kathryn na balitang may natanguang pressing showbiz commitment.
Only Alden showed up to personally receive the award.
But just when he thought na ikinatuwa ‘yon ng mga KathDen fans ay may ilan ang dismayado.
Ang siste, hindi man lang in-acknowledge ng Kapuso actor ang leading lady niya sa HLA.
Katakutakot tuloy na pamba-bash ang ipinatikim ng mga netizens kay Alden.
Much of the credit for the success of the sequel ay attributed pa rin kay Kathryn.
Lalo lang din na-reinforce ang paniniwala that there exists a feud between Kathryn and Alden.
Maging ang pambabasted ng aktres sa panliligaw ni Alden ay naungkat tuloy.
Hindi naman daw asking too much ang mabanggit man lang ni Alden that isine-share niya ang recognition with Kath.
After all, pares nga sila at mabuti if they don’t represent the same box office movie.
Ang ending–ang mga Kathryn fans na rin ang wari’y nag-console sa kanilang mga sarili.
That is, wala na sila aasahang third reunion movie ng KathDen.