Home ENTERTAINMENT Ivana, dinenay na homewrecker, inokray!

Ivana, dinenay na homewrecker, inokray!

216
0

Manila, Philippines- Kapag sinabing lie detector test, malalim itong usapin na magsisiwalat kung nagsasabi ba ng totoo o hindi ang isang individual.

Pwede mo itong ipagawa sa private investigative agencies na dalubhasa sa polygraph services at iba pang investigative services.

Pero dahil mismong si Ivana Alawi ang siyang nagpapunta sa male agent na nagsasagawa ng lie detector test sa bahay niya ay pinagdudahan tuloy siya ng netizens sa mga sinabi niyang hindi siya isang homewrecker, na agad sinang-ayunan ng agent.

Dapat raw ay sa ibang lugar nagsagawa ng lie detector test si Ivana para paniwalaan talaga siya ng publiko.

Yes marami talaga ang nagtataasan ang kilay kapag sinasabi ni Ms. Alawi na hindi raw siya pumapatol sa DOM at hindi kayang manira ng isang pamilya.

Eh last year ay pinag-uusapan na ang diumano’y affair raw nito kay Cong. Albee Benetiz.

Sana raw ay itikom na lang ni Ivana ang kanyang bibig kaysa sa mag-deny.

E kung yung pagkaka-link nga niya sa dating kongresista at actor na si Dan Fernandez ay hindi maamin-amin ng sexy vlogger-actress, yung isyu pa kaya sa kanya ngayon?

Andami ngang nakakakita sa kanila noon ng dating aktor at binusog daw talaga siya ng regalo ni Dan including townhouse and very expensive car.

True ba ito Ivana?

Nagtatanong lang po! Peter Ledesma

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here