Home ENTERTAINMENT Carla, sinabihang baog, nag-react!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Carla, sinabihang baog, nag-react!June 13, 2025 15:30 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Kinailangang idepensa ni Carla Abellana ang kanyang sarili laban sa isang netizen na iginigiit na baog siya.This is the same netizen who accused her of possessing “masamang ugali.”Pinalalabas kasi ng netizen na kaya raw siya hiniwalayan ni Tom Rodriguez ay dahil baog siya.Carla had to put her foot down para ipagtanggol ang kanyang sarili.Ipinost niya muna ang sinabi ng netizen, saka sumagot ng: “To set the record straight, hindi po ako baog.”Sinundan niya ito ng: “Magti-39 years old pa lang ako in two days, bakit gumagawa kayo ng kuwento?”Sa bandang huli, in-address ng Kapuso actress ang comment na masama ang ugali niya.“P.S. Hindi po masama ang ugali ko.”Minsan nang naibahagi ni Carla na nagpa-freeze siya ng kanyang mga itlog.Pero hindi ibig sabihin nito’y baog siya o walang kakayahang mag-anak.Humanga naman ang ibang netizens sa kanya for setting the record straight, gaya nga ngpasintabi niya.Kung hindi niya kasi iko-correct ang maling impormasyon, may tendency na ‘yun ang paniniwalaan ng mga netizen. Ronnie Carrasco III