MANILA, Philippines – Pinagmulta ng Ombudsman si outgoing Cebu Governor Gwen Garcia ng ₱30,000 matapos mapatunayang guilty sa kasong indirect contempt.
Nakasaad sa dalawang pahinang kautusan ni Ombudsman Samuel Martires na malinaw na sinuway ni Garcia ang utos ng Ombudsman na sumailalim sa anim na buwan na preventive suspension.
“Entrusted with the power to discipline erring public officials and employees. Thus, with a firm and even hand, the Ombudsman will no longer tolerate further affronts to this solemn mandate,” nakasaad sa kautusan.
Magugunita na noong April 29, pinatawan ng Ombudsman ng preventive suspension si Garcia ng anim na buwan dahil sa mga reklamong grave abuse of authority dahil sa ilegal umano na pagkakaloob ng special permit sa isang construction company.
Sa kabila ng suspensyon, patuloy na sinuway ni Garcia ang kautusan ng Ombudsman at nakakuha ng temporary restraining order sa CA. Teresa Tavares