Home ENTERTAINMENT Carla, sinuot ang ‘green bones’ ni ‘Mamang Delia’!

Carla, sinuot ang ‘green bones’ ni ‘Mamang Delia’!

Manila, Philippines- Sa ibang pamamaraan idinaan ni Carla Abellana ang pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanyang yumaong lola at dating LVN Pictures star na si Delia Razon.

Delia passed away last March 16 at the age of 94.

Her cause of death remains unknown.

Bilang pag-alala, nagpost si Carla ng kanyang larawan sa Instagram.

Mapapansin ang suot niyang heart-shaped pendant.

Naglalaman ito ng green bones ng pumanaw na aktres.

“Forever with Mamang,” simpleng caption ni Carla who used to call her maternal grandmother “mamang.”

In Chinese belief, ang taong nagtataglay ng green bones sa cremated remains nito’y pinaniniwalaang namuhay nang punumpuno ng love at kindness.

Sinasabi ring nakaka-attract ito ng good karma o pampaalis ng negatibong vibes kapag ginamit bilang palamuti ng mahal sa buhay ng pumanaw.

Pero sa scientific viewpoint, ang green bones ay resulta ng reaksyon mula sa mga kemikal.

Ano’t anupaman, no doubt, Ms. Delia Razon was a good-hearted woman noong nabubuhay pa.

And Carla proves to be a chip off the old block. Ronnie Carrasco III