Home ENTERTAINMENT Carla, tinumbok sa blind item!

Carla, tinumbok sa blind item!

377
0

Manila, Philippines – Idinaan pa sa blind item, pero tukoy na tukoy naman.

Hindi man pangalanan ang aktres ay obyus namang si Carla Abellana ang tinutukoy na nakatakdang magpakasal sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Saad ng item which clearly points to the Kapuso actress and no one else, misteryoso raw ang nobyo niya.

Maging ang mga katrabaho mismo ng aktres have yet to personally meet the guy.

Gayunpaman, wala na raw makakapigil pa sa kanilang kasal that might take place next month.

Kung hindi man matuloy ang November wedding ng aktres ay posibleng tapusin muna niya ang ginagawa niyang pelikula ngayon.

Nasa cast kasi ang aktres ng isa sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Patunay rin daw na pinaghahandaan ng aktres ang kanyang kasal ay ang pag-turn down niya ng isang teleserye, kung saan may markado siyang papel.

At kung hindi pa ba naman si Carla ang tinutumook sa blind item, nakasaad pang she has since recovered from her heartbreak sa nakarelasyong give-away din ang clue–who else but Tom Rodriguez!

Gayunpaman, masaya ang showbiz press para sa aktres as she deserves to be happy this time around!

Congratulations and best wishes in advance, Carla! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here