Hindi mapigilan ang pamamayagpag ni Ka Rex Cayanong sa industriya ng sabong matapos nitong mag kampeon muli sa sinalihang 5-Stag Fiesta na nilarga sa AC-12 Bataan Coliseum Inc. noong Biyernes.
Gamit ang entry name na Ka Rex 6-Stag Nov. 22-23 San Pedro, umiskor ng perfect five points ang sabong sensation na si Cayanong, hinarurot ng kanyang warriors ang Jr. Black Nazarene GC, Joly Mcdo Octo 5-Stag, Matis Decem 7-Darasa, V&V GF Nov 4 5-Stag Kawit at San Lorenzo.
Pang pitong kampeonato na ang pinupupog ni veteran broadcast journalist Cayanong ngayong taon at madadagdagan pa ito dahil marami pa siyang sasalihang bigating derby.
Combined entry ni Cayanong si Carlito Torres Jr. ng Dinalupihan, Bataan kung saan ang ginamit na bloodlines ng manok ay ang Mulagat Black.
Naging susi rin sa tagumpay ang mga naghanda na sina Niel Labaniego (Handler), Jomar Galang (Asst. Handler), Doctor Jonard Galang, Asst. Doctor Jay Galang habang si Torres ang Gaffer.
Ang promoter ng derby ay sina Vincent Violago at Kap Bugoy habang katuwang ang AC-12 GameFarm.
Samantala, abangers na ang mga sabungero sa ilalargang Ka Rex 6- Stag Nov. 22- 23 San Pedro Laguna kung saan ay nakalaan ang P2M guaranteed prize kasama ang dalawang trophy mula kay Zandro Castrillo.
Sa Nobyembre ang Set A habang kinabusan ang Set B.