Home ENTERTAINMENT Carla, umalma sa pagkatay ng aso!

Carla, umalma sa pagkatay ng aso!

Manila, Philippines – Isang certified animal lover ang Kapuso actress na si Carla Abellana.

Masasabing isa ring siyang responsableng fur parent dahil malapit ang puso niya sa mga aso.

Katunayan, suportado ng aktres ang animal welfare groups tulad ng PAWS.

Sa kanyang Instagram, hindi naman niya napigilang mag-react sa isang article na ibinahagi niya tungkol sa pagkatay ng mga aso.

Sa artikulo kasi, tinatalakay ang talamak na pagkatay ng mga aso sa sa La Trinidad sa Benguet para gawing pulutan.

Itinuturing na naging ordinaryo rin sa lugar ang pagkatay ng aso para ibenta.

Caption niya: “Bakit napaka-barbaric ninyo diyan?”

May kasunod pa itong komentong : “I AM ENRAGED”

Nakakuha naman ng kakampi ang aktres sa netizens na kinukundena rin ang ganoong klase ng karahasan sa mga aso.

Ito ang ilan sa kanilang mga komento.

“OMG! Grabe na sila, mga halang talaga ang kaluluwa. Sana maparusahan ang mga iyan. Kung pwede nga na. Kung ano ginawa nila sa mga aso, ganun din gawin sa kanila.

“Sana lhat ng kumakatay, nagbebenta at higit sa lahat kumakain ng aso ma-rabies kayomg lahat.

“Wala kayong awa. Bumalik sa inyo lahat ng pagpapahirap na dinadanas ng mga aso.”

“Sana lhat ng kumakatay, nagbebenta at higit sa lahat kumakain ng aso ma-rabies kayomg lahat.

“Wala kayong awa. Bumalik sa inyo lahat ng pagpapahirap na dinadanas ng mga aso.”

“Magkasakit na sana silang mga nagkatay ng aso jan.”

“Nakakawala ng faith sa humanity, puro na lang agony, misery and excruciating pain ini-inflict ng mga tao sa innocent souls.”

“Di ko makaya tingnan.” Archie Liao