Inihayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na nakasalang na sa Palasyo ang 9 key priority measures ng admininstrasyon upang lagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., na maging ganap na batas.
Sa pahayag, sinabi ni Escudero na umabot sa 106 panukalang batas ang inaprubahan ng Senado simula nang maupo siya bilang lider ng Mataas na Kapulungan noong Mayo 20, 2024, na 26 dito ang naisabatas na.
Inaprubahan na rin ng Senado ang 12 key measures ng administrasyon, ayon pa kay Escudero.
Siyam dito ang nakasalang upang pagdaaan ng chief executive kabilang ang VAT sa digital transactions, Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy (CREATE MORE), at amendments sa Rice Tariffication Law.
Kabilang dito ang Academic Recovery and Accessible Learning Program (ARAL) Act, Magna Carte of Filipino Seafarers, Anti-Agricultural Smuggling Economic Sabotage Act, Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act, Philippine Maritime Zones Act, at ang Enterprise-Based Educaiton and Training Framework Act.
Samantala, tatlong panukala naman ang nakasalang sa deliberasyon ng bicameral conference committee level, at isa ang aaprubahan pa ng House of Representatives.
“We acted with urgency on the priority measures of the President, which were also part of the common legislative agenda of both chambers of Congress,” ayon kay Escudero.
“Again, this is more about the quality of laws rather than quantity. These are high impact laws that Malacañang and Congress agreed upon to prioritize,” dagdag niya.
Tiniyak din ni Escudero na nakatakdang pagtibayin ng Senado ang tatlo hanggang apat na priority measures ng administrasyon bago ituon ang atensiyon nito sa panukalang P6.532-trillion national budget sa 2025.
“There is no time to waste, and we will strive to accomplish even more under my watch,” aniya. Ernie Reyes