Kinalampag ni Senador JV Ejercito ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Bureau of Immigration (BI) sa pagtatayo ng isang general aviation terminals sa lahat ng paliparan at seaport upang maiwasan ang unmonitored departures tulad nang ginawa mi dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
“Kinakailangan siguro, maglagay ng general aviation terminal para hindi lang plain sight. Kapag VIP kasi diretso sa eroplano, pumupunta ang Bureau of Customs, BI, and (Bureau of) Quarantine via plain sight,” ayon kay Ejercito sa interview.
“Dapat magtayo ng terminal para sa general aviation na lahat ay dadaan doon. May CCTV para alam kung sino ang mga sumasakay ng private planes. Dapat dito walang exemption,” diin ng senador.
Umaasa din si Ejecito na magkakaroon ng general aviation terminal ang San Miguel-led New NAIA Infra Corp., bagong management ng Ninoy Aquino International Airport, at iba pang paliparan sa buong bansa para sa general aviation terminals sa gitna ng pagtakas ni Guo.
“’Di na kailangan ng legislation. Policy lang ‘yan, order lang ‘yan sa CAAP, BI, at lahat involved na ahensya na dapat magkaroon ng safety measure para ‘di maulit (‘yung kay Guo.),” ayon kay Ejercito.
Idinagdag pa ni Ejercito na gumamit si Guo ng isang private plane na ginamit sa pagtakas.
Ngunit, ayon kay Guo, nakaalis ng bansa si Guo nang hindi dumadaan sa BI authorities.
Sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng Senado, kinumpirma ni Guo na tumakas sila ng Pilipinas gamit ang isang bangka, isa dito ay isang yate.
Naunang inatasan ng CAAP ang lahat ng center managers at airport managers na tiyakin na makakasapat sa documentary at security requirement ang lahat ng umaalis at dumarating na pasahero sa bansa sa lahat ng CAAP-operated airports. Ernie Reyes