Home ENTERTAINMENT Carlo at Charlie, ikakasal na!

Carlo at Charlie, ikakasal na!

Manila, Philippines- Hindi naman pala sa lahat ng pagkakataon ay pinaninindigan ng talent manager cum vlogger na si Ogie Diaz ang bansag sa kanya bilang Patron ng mga Showbiz Breakups.

For a change, hindi tungkol sa mga showbiz couples na hiwalay o maghihiwalay pa lang ang latest tsika ni Ogie.

Positive naman this time as it involves Charlie Dizon and Carlo Aquino na ayon sa source ni Ogie ay nakatakda nang ikasal this year.

Parang lumalabas na bumabawi si Ogie sa pamamagitan ng positibong balitang ito para naman kumalma kahit paano ang mga bashers niya.

Kunsabagay, lantaran na naman ang relasyon Charlie-Carlo.

At minsan na ring nasabi ng aktor na si Charlie ang kanyang “the one” she will marry.

Wala namang kaso ‘yon as long as hindi pinababayaan ni Carlo ang anak na si Mithi from his previous relationship.

Mukhang alam din naman ni Charlie ang dapat niyang kalagyan.

Priority pa rin siyempre ng kanyang husband-to-be ang anak nito.

Ang maganda kina Charlie at Carlo, they seem to be a decent couple.

Hindi sila ‘yung tipo ng magkarelasyon na lapitin ng mga intriga that threaten to put their relationship at stake.

For sure, aligaga na ang couple sa pagpaplano kung sino ang bubuo ng kanilang wedding entourage, not to mention where the exchange of I do’s will take place.

At least, hindi na “sad” ang scoop ni Ogie! Ronnie Carrasco III