Home ENTERTAINMENT Carlo, nagdadawang-isip sa pagpapatali kay Charlie!

Carlo, nagdadawang-isip sa pagpapatali kay Charlie!

Manila, Philippines- Carlo Aquino is just like everyone else who talks to himself.

Sa kaso nga lang ng aktor, may pagka-sermonizing daw ang kanyang “alter ego.”

Kilalang masayahin na ngayon si Carlo sa itinatakbo ng kanyang lovelife.

Thanks to Charlie Dizon daw na nagbigay sa kanya ng kakaibang kahulugan ng pag-ibig.

Like any other romantic couple ay nag-aaway rin sila.

Para masolusyunan daw ang problema, he and Charlie go out, walk together and tresh things out.

Gayunpaman, sa gitna raw ng nararamdamang kaligayahan sa piling ng nobya, umaariba ang kanyang “alter ego.”

Out of nowhere, nakakarinig daw si Carlo na sinasabihan siya nito ng: “Huwag kang excited! Hindi pa tapos ang buhay, marami pang mangyayari sa ‘yo!”

Nakikinig naman daw ang aktor who confesses that anybody for that matter is never prepared for anything na maaaring dumating sa buhay.

He cites himself as a classic example.

Modesty aside daw, emotionally at financially ready na siya na pakasalan si Charlie.

Ang hindi nga lang matiyak ni Carlo ay kung mangyayari ang kasalan this 2024.

Why not kung suot na naman ni Charlie ang kanilang engagement ring?

Mabilis na itinanggi ni Carlo na engagement ring ‘yon.

Bagay na sinegundahan ni Charlie: “Singsing ko po ‘yon, ‘di engagement ring!”

Samantala, tinitiyak ni Carlo na imposible silang maging Bea Alonzo-Dominic Roque Part 2.

Eh, ‘di wow! Ronnie Carrasco III