Home ENTERTAINMENT Carlos at Chloe, binanatan sa sweet photos!

Carlos at Chloe, binanatan sa sweet photos!

Manila, Philippines- Sa gitna ng pagkukumahog ng ating mga celebrity sa pagbibigay ng ayuda sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Kristine at Leon ay heto ang magkasintahang Carlos Yulo at Chloe San Jose na buong ningning na ibinalandra ang kanilang mga cheesy photos sa social media.

Tulad ng inaasahan, umani ng kaliwa’t kanang batikos ang mga litratong ‘yon.

Kuha ang mga ‘yon sa isang charity gala night kamakailan.

Nakadagdag pa sa inis ng mga netizens ang caption na inilakip ni Chloe sa kanilang mga photos.

Post nito: “A red hot night with my red hot date!”

Halos iisa lang ang nagsusumigaw na comment ng mga haters ng couple.

“Tumulong naman kayo!” ayon sa mga bashers.

Hindi nga naman lingid sa kaalaman ng lahat ang milyun-milyong pisong natanggap ni Carlos mula sa kanyang two-time Olympic victory sa Paris.

Maano raw na small fraction ng halagang ito’y inilaan niya para sa ayuda?

Worse, tila nananalangin pa ang mga ito na ang pakikitungo ni Carlos sa kanyang inang si Angelica will be the cause of his eventual downfall.

In fairness, may mangilan-ngilang dumepensa sa magkasintahan.

Malay raw ba natin kung nag-abot sila ng tulong, na hindi na nila in-announce?

To borrow nga raw a segment title in Eat Bulaga–Bawal Judgmental. Ronnie Carrasco III