CEBU CITY – Nauwi sa kulungan ang isang 48-anyos na lalaki na nagtangkang kumuha ng police clearance sa isa sa mga police station dito matapos matuklasan na mayroon itong nakabinbing warrant of arrest para sa pagpatay.
Bandang alas-2:30 ng hapon nang dumating sa Mabolo Police Station si Elberto Maxino, residente ng Barangay Guadalupe, Cebu City. noong Martes, Nob. 5, para makakuha ng police clearance.
Sinabi ni Police Major Romeo Caacoy Jr., hepe ng Mabolo Police Station, na kailangan ni Maxino ng National Police Clearance (NPC) bilang bahagi ng requirement para sa trabahong inaaplayan niya.
Habang pinoproseso ang dokumento, nalaman sa sistema na mayroon siyang natitirang warrant of arrest para sa pagpatay, isang non-bailable offense.
Ang warrant ay inilabas ni Presiding Judge Candelario Gonzales ng Branch 45 sa Bais City, Negros Oriental. Ang warrant ay inilabas noong Enero 19, 2010.
Sinabi ng pulisya na inamin ni Maxino ang krimen noong 2019 sa Bais bagama’t hindi niya alam na may inilabas na warrant of arrest laban sa kanya.
Pansamantalang nakakulong ang lalaki sa custodial facility ng Mabolo Police Station.
Sinabi ni Caacoy na konektado ang NPC sa e-warrant system kung saan ang lahat ng indibidwal na kumukuha ng police clearance ay susuriin kung sila ay nasangkot sa isang krimen. RNT