SYDNEY, Australia – Sinabi ng Punong Ministro ng Australia na si Anthony Albanese na isasabatas ng gobyerno ang pagbabawal sa social media para sa mga batang wala pang 16 taong gulang, isang patakarang sinasabi ng gobyerno na magiging una sa buong mundo.
“Social media is doing harm to our kids and I’m calling time on it,” sinabi ni Albanese sa isang press conference.
Ang batas ay ipapasok sa parliament ngayong taon, na ang mga batas ay magkakabisa 12 buwan pagkatapos itong pagtibayin ng mga mambabatas, idinagdag niya.
Walang magiging exemption para sa mga user na may pahintulot ng magulang.
“The onus will be on social media platforms to demonstrate they are taking reasonable steps to prevent access,” dagdag pa ni Albanese. “The onus won’t be on parents or young people.”
Sinabi ng Ministro ng Komunikasyon na si Michelle Rowland na ang mga platform na naapektuhan ay isasama ang Instagram at Facebook ng Meta Platforms, pati na rin ang TikTok at X ni Elon Musk. RNT