Manila, Philippines – Nagsilbing turning point sa dating Kapamilya actor ang kanyang karanasan tatlong taon na ang nakakaraan.
Ito ang nilalaman ng kanyang Instagram as Carlos Agassi looked back having sustained a serious injury at a basketball game.
“Sinahod ako sa basketball!” referring to what happened to him, putting the blame on one of his co-players.
“Galit na galit ang asawa ko, gusto niyang upakan! But I said pabayaan na lang, bahala na si Lord,” aniya.
Carlos’ injury caused him to undergo operation.
This is where fits of depression started to kick in.
“Hindi ako makatayo, hindi ako makalakad… ilang linggo akong umiiyak. Gusto ko na nga wakasan ang buhay ko!”
But thanks to his wife Sarina, napakalaki raw kasi ang naitulong nito para naising bumangon mula sa kalunus-lunos na kabanatang ‘yon sa kanyang buhay.
Hindi raw kasi bumitaw si Sarina sa kanya no matter what.
With his wife’s moral support came Carlos’ realization about important life facts.
Kung hindi pa raw dahil sa karanasang ‘yon ay hindi mapagtatanto ni Carlos kung sino ang kanyang mga tunay na kaibigan.
“Nari-realize mo pala ‘yon pag wala na silang makuha sa ‘yo?” aniya.
Bagama’t walang pangalang binanggit si Carlos, tila pahaging ‘yon sa llan sa kanyang mga kapanabayan sa showbiz.
Although water under the bridge na ‘yon na kailangang manatiling sa alaala na lang, Carlos proves to be a living testimony that: “Depression is real!” Ronnie Carrasco III