Home ENTERTAINMENT Carlos, nag-ingat sa mensahe, umiwas sa isyu!

Carlos, nag-ingat sa mensahe, umiwas sa isyu!

Manila, Philippines – Kung ikaw ay naimbitahang mag-guest sa Wil to Win ni Willie Revillame, no other token seems more fitting than a customized jacket mula mismo sa host nito.

Kilala si Willie sa nakatutulig na linyang “Bigyan ng jacket ‘yan!” as his gesture of gratitude bilang pagtangkilik sa kanyang programa.

The latest to have been given a jacket ay si Carlos Yulo, na inakma ang kulay nito (gold) sa dalawang medalyang nasungkit nito sa nagdaang Paris Olympics.

Naka-emblazon din ang pangalan ni Carlos, which means, walang puwedeng umarbor nito.

Like any TV guesting, hindi mawawala ang konting panayam.

Hiningan ni Willie ng mensahe ang two-time gold medalist as to who he is indebted sa natamong tagumpay.

Obyus na maingat si Carlos with his choice of words–or names na dapat niyang pasalamatan.

Save for the Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carrion, Carlos did not drop the names of his family members or his girlfriend Chloe San Jose.

Aniya: “Nagpapasalamat ako sa pamilya ko, nandiyan sila, nakaantabay. Ipinagdarasal ako sa lahat ng mga ginagawa ko sa buhay. Naaalagaan hindi lang bilang atleta kundi bilang tao na rin po.”

Carlos simply referred to Chloe as his partner na aniya’y “grabe ang support sa akin.”

Hopefully, Carlos’ guesting on Willie’s show (his second after Eat Bulaga) will put to rest the issue between him and his family.

Tumimo rin sana sa puso ni Carlos ang ibinigay na payo ni Willie backstage tungkol sa pamilya.

Only then will Carlos live in peace as he rebuilds his family. Ronnie Carrasco III