Home ENTERTAINMENT Carlos, nagsalita na sa mga isyu!

Carlos, nagsalita na sa mga isyu!

167
0

Paris, France- Hindi na rin napigilang magsalita ni Carlos Yulo para sagutin ang alegasyon ng kanyang inang si Angelica.

May pitong minuto rin ang running time ng kanyang TikTok video kung saan kasama niya ang nobyang si Chloe San Jose sa kanyang agpapaliwanag.

Isa sa mga binring up ng double gold medalist sa Paris Olympics ay ang tungkol sa P70k incentives na ayon kay Angelica–base sa aratang ng anak–ay ninakaw daw iya.

Ayon kay Carlo, incentives ‘yon mula sa World Championships noong 2022 na hindi direktang napunta sa kanya kundi sa kanyang ina.

At dahil dalawang medalya raw ang nakamit niya kung kaya’t higit pa raw sa P70k ‘yon: “Anim na digits ‘yon.”

Dagdag pa ni Carlos; hindi pa raw niya nalaman ‘yon kung hindi siya nagtanong sa ina.

Aniya: “Wala naman ‘yon sa liit o laki ng halaga. Ang pino-point (sic) ko, ginalaw ‘yon ng mama ko nang wala akong consent.”

Maging ang bank account din daw niya’y wala sa kanyang possession.

Nagulat na lang daw si Carlos nang matuklasang nasaid na ito.

Hawak din daw niya ang bank statement ng mga ginawang withdrawals ng ina.

Inamin din ni Carlos na hindi pa raw nami-meet ng kanyang ina nang personal si Chloe ay: “Hinusgahan na niya ito.”

‘Di raw boto ang ina niya sa kanyang nobya base sa pananamit at behavior nito.

Ipinagtanggol naman ni Carlos ang nobya na lumaki raw sa Australia kung kaya’t iba ang kinasanayan nito.

Dumpensa rin ang atleta sa pagsasabing may sariling income si Chloe kung kaya’t imposibleng uubusin nito ang pera niya. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here