Home ENTERTAINMENT Carlos, umaming nakarma!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Carlos, umaming nakarma!September 26, 2024 16:391890 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- It takes a great amount o f humility to own up to one’s mistake.If only for this ay kahanga-hanga pa ring maituturing si Carlos Yulo sa kabila ng patuloy pa rin niyang pagtalikod sa kanyang pamilya.Sumalang ang Olympic two-time gold medalist sa Toni Talks ni Toni Gonzaga.Una sa lahat ay nagpapasalamat ang binansagang Golden Boy sa mga kababayan nating nagbunyi sa kanyang tagumpay.Ikalawa’y dinepensahan din niya ang kanyang sarili laban sa mga haters niya.Ito’y partikular sa pagiging malayo ni Carlos sa kanyang pamilya lalung-lalo na sa kanyang inang si Angelica.Aniya: “Malinis ang kunsensya ko…hindi naman nila ako kilala, eh!”Hindi raw kasi batid ng marami sa ating mga kababayan ang pinagdaanan niya lalo na noong nagsasanay siya to ensure his double victory.Batid daw ng Nasa Itaas kung gaano niya pinagbuti ang kanyang performance sa nagdaang Paris summer Olympics.Pero mas mabuti na raw na hindi niya hinahayaang magpaapekto sa galit ng mga tao sa kanya.Palagay ni Carlos: “Nakarma ako!”Aware naman daw siya na sa ating kultura’y taliwas ang nakikita ng mga tao sa kanya.“Basta ang alam ko, napatawad ko na sila,” panunukoy sa kanyang pamilya.Kung uugatin, money issues ang umano’y ipinupuntos ng kampo ni Carlos laban kay Angelica.Nakisahog na rin sa usapin si Chloe San Jose, nobya ni Carlos, na pinaparatangang naglalayo rito sa kanyang pamilya.Carlos, however, has expressed optimism na sa pagkakasundo rin mauuwi ang lahat.Kumbaga, it’s just a matter of time. Ronnie Carrasco III