Home ENTERTAINMENT Carlos Yulo, nag-birthday, pinasaya ang mga bata!

Carlos Yulo, nag-birthday, pinasaya ang mga bata!

197
0

Manila, Philippines -!Hindi para sa sarili kundi para sa mga bata ang diwa sa pagdiriwang ng 26th birthday ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo.

Masaya nga itong isinelebra ni Carlos sa pamamagitan ng simpleng paraan as his way to give back.

Idinaos ‘yon sa isang simbahan sa Pampanga para sa mga bata na binigyan pa ni Carlos ng mga regalo.

Aniya: “Salamat Lord sa panibagong taon ng buhay, isa na namang biyaya na buong puso ko pong tinatanggap.”

Nagtawid din si Carlos ng pasasalamat kay Fr. Jowel dahil sa mainit na pagwelkam nito.

“Kay Fr. Jowel sa pagtanggap at pagbasbas po sa amin,” saad ni Carlos.

Giit niya, ibinabalik lang daw niya ang mga biyayang ipinagkakaloob sa kanya ng Itaas: “All glory to you, Lord. Isa na namang taon para mangarap, magsikap at matuto.” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here