Home ENTERTAINMENT DDS, ayaw tantanan si Sharon!

DDS, ayaw tantanan si Sharon!

153
0

Manila, Philippines – Gaya ng alam na ng lahat, “sinita” nga ni Sharon Cuneta si Pangulong Bongbong Marcos sa pagkakaroon nito ng maling pagkakapili para tumakbong ka-tandem niya noong 2022 elections.

Matatandaang isinulong ng partidong Uniteam ang tandem nina Marcos at ngayo’y VP Sara Duterte.

Ang nakatunggali ni Sara sa nasabing puwesto ay si Senator Francis “Kiko” Pangilinan, mister ng Megastar.

Kinalaunan nga’y ang dating magkakampi ay may alitan na ngayon.

Dumalo kasi si PBBM sa isang gala event nitong nakaraan kung saan kinantahan siya ni Sharon at ng asawang si Liza Araneta-Marcos.

Sinimulan ng singer-actress ang kanyang pagtatanghal nang banggitin niya ang isang bagay “which she didn’t like about Marcos’ presidency.”

Ani Sharon, nami-miss daw niya ang mga panahong nagte-text lang daw siya sa couple para sa bagnet.

Sinabi pa ni Sharon na nag-iisa lang ang kanyang VP–ang kanyang mister.

“l’ve only one vice president there–my date tonight. Mali your choice, ‘no? Okay, okay, let’s move on!”

Sa kabila ng tensyon sa pulitika, Sharon has had long-running relations with the Marcos family na aniya’y “old friends.”

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring binabato at binabalikan ng DDS si Sharon. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here