Manila, Philippines – Isa si Meg Imperial sa mga latest na pumalag sa “feelingerong” si Alvin Aragon.
Partikular na inalmahan ang self-righteous stand nito involving his wife na dating member ng Sex Bomb Dancers na si Izzy Tirazona.
Ani Meg sa kanyang post sa Facebook, nilinaw muna niyang hindi siya mahilig makisawsaw sa mga isyu pero payo niya kay Alvin, okey lang maging religious.
Ang masama, huwag itong feeling at umastang superior.
Post ni Meg: “Grabe naman ‘yung confidence.. perfect ka? Ideal husband of the year?!”
Hindi naman daw kasi pare-pareho ang values ng mga tao.
Sa kaso daw ni Alvin, given daw na alam niya ang trabaho ni Izzy: “That’s a job. Hindi ‘yon kabastusan, hindi rin kahihiyan. It’s a profession, and she deserves respect as a person!”
Huwag daw asahan ni Alvin na mag-fit sa standards nito ang imahe ni Izzy: “Humility is louder than preaching.”
Bilang fan ng Sex Bomb, hindi itinanggi ni Meg na nanggigil siya sa pananaw ni Alvin.
Maging ang comedienne-businesswoman na si Wilma Doesnt ay pumalag din kay Alvin.
Ani Wilma sa video, noong nalulong daw si Alvin sa drugs ay hindi naman siya hinusgahan ng tao.