Home NATIONWIDE Panukalang P2.3B na Intramuros Forest Park naisumite na ni Yorme kay PBBM

Panukalang P2.3B na Intramuros Forest Park naisumite na ni Yorme kay PBBM

131
0

MANILA, Philippines – IPINASA na ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang ₱2.3-bilyong Intramuros Forest Park na magpapalit sa kasalukuyang golf course sa Intramuros at gagawing malawak na pampublikong parke.

Personal na iniabot ni Domagoso o ang konseptong disenyo at kabuuang gastos ng proyekto kay Executive Secretary Ralph Recto sa isang pulong sa Malacañang nitong Lunes, Pebrero 23.

Sa liham na may petsang Pebrero 23, sinabi ni Domagoso na bahagi ang proyekto ng tinatawag na “Legacy Projects” ng Pangulo na layong iangat ang kalidad ng buhay ng mga Manilenyo.

Ayon sa alkalde, follow-up ito sa nauna nilang pag-uusap noong Oktubre 17, 2025 at sa kanyang sulat noong Oktubre 14, 2025 hinggil sa plano niyang gawing Intramuros Forest Park ang golf course.

Kalakip ng isinumiteng dokumento ang ulat ng Asian Development Bank (ADB) kaugnay ng konseptong disenyo at kabuuang halaga ng proyekto, na inihanda katuwang ang global design firm na Arup.

Nabatid na tinatayang aabot sa ₱2.3 bilyon ang kabuuang gastos na sasaklaw sa site development, park facilities, landscaping at iba pang imprastruktura.Isa sa pangunahing tampok ng plano ang Riverfront Promenade na magbibigay-buhay sa gilid ng Ilog Pasig, kabilang ang mga landscaped area at Picnic at Waterfront Area para sa publiko.

Magkakaroon din ng Campus Garden na may Outdoor Theater, puwesto para sa food kiosks, at Children’s Playground—isang espasyong puwedeng pagdausan ng mga pagtatanghal at pampamilyang aktibidad.

Kasama rin sa blueprint ang Gateway Park bilang pangunahing pasukan, at Urban Park na may sports area, parking, lookout area at riverwalk—isang kombinasyon ng luntiang kapaligiran at aktibong libangan para sa mga residente at turista. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here