Sa mga ‘di nakakaalam, ganito si Carmi Martin na ina sa tatlong adorable pet dogs.
No wonder, relate much ang aktres sa hinampo ng isang nagngangalang Sandy whose pet dog and her sister-in-law’s were brutally killed at a training facility.
Ibinahagi ni Carmi sa kanyang Facebook account ang kuwento ni Sandy.
Hindi raw maimadyin ni Carmi kung mangyayari rin ‘yon sa kanya.
Ang siste, pinag-obedience training daw ni Sandy ang pito nilang aso–isa doon named Donki at isa nama’y pag-aari ng kanyang hipag.
Sa Win Solution Dog Training Services sa Laguna nagsasanay ang mga aso trained by a certain Alvin.
luuwi na sana ni Sandy ang kanilang pets nang magsadya raw si Alvin sa kanilang bahay.
Sinabi nitong si Donki at ang isa pang aso ay namatay sa heat stroke.
Inilibing daw ni Alvin ang mga ito nang walang pahintulot mula kay Sandy.
But the photos shown to her indicate otherwise.
Duguan kasi ang ulo ng isa sa mga aso, at ‘yung isa’y wala nang ulo.
“This is cruelty!” sambit ni Sandy.
For her part, isinasaboses ni Carmi ang panawagan ni Sandy para makamit ang nararapat na hustisya para sa mga may-ari ng mga aso.
“It needs to be closed down!” sigaw ni Sandy na sinang-ayunan ni Carmi. Ronnie Carrasco III