Home ENTERTAINMENT Kobe, todo emote sa IG!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kobe, todo emote sa IG!May 22, 2025 17:17 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Palaisipan ang naka-post sa Instagram story ni Kobe Paras.Nagbahagi kasi ang binata ng larawan ng sunset at payapang karagatan.Nilakipan ni Kobe ito ng nakakaintrigang caption na: “Without pain, there is no joy.”Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye ang binata nina Jaclyn Forster at Benjie Paras.Cryptic mang matatawag ang kanyang post, mabilis na kinunek ng mga netizens ang emote na yon ni Kobe sa ex-girlfriend nitong si Kyline Alcantara.Matatandaang weeks ago ay hot item ang couple dahil sa kanilang paghihiwalay that neither of them confirmed nor denied.Basta nanahimik na lang ang magkabilang kampo.Umabot din sa point na lumantad na rin ang itinuturong third party sa kanilang breakup.Pero iginiit ng long-time friend ni Kobe na si Rhaila Tomakin na hindi ito ang karaniwang tipo niya ng lalaki.Aniya, she goes for more mature, older men na nalilinya sa negosyo at hindi sa sports.Wonder kung anong ikinase-senti mode ni Kobe, na-realize ba niya ang kawalan ni Kyline sa kanyang buhay? Ronnie Carrasco III