Home HOME BANNER STORY Carpio: Sigalot sa WPS ‘intergenerational’

Carpio: Sigalot sa WPS ‘intergenerational’

MANILA, Philippines- Kahaharapin ng ilang henerasyon ang isyu sa West Philippine Sea, ayon kay retired Supreme Court justice Antonio Carpio. 

Bilang bahagi ng panel ng World Questions program ng BBC, tinanong si Carpio kung posibleng mabawasan ang agresyo ng China sa mga sundalong Pilipino matapos ihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang paninindigan sa pagtatanggol sa teritoryo ng Pilipinas.

“I call this dispute an intergenerational struggle for Filipinos, so I do not see this dispute being resolved anytime soon,” pahayag niya.

“China has doubled down over the years, it’s very clear now to everyone. So we have to prepare for a very long struggl., China has clarified the these waters are its national territory, which includes the high seas of South China Sea. Of course, the high seas belonged to mankind, nobody owns that, but China is claiming all that as its national territory,” patuloy ni Carpio.  

Aniya pa, bagama’t naghayag ng suporta para sa Pilipinas ang ilang bansa ukol sa usapin, ang China ang may pinakamalaking navy sa buong mundo at isa sa world’s major nuclear powers.

Sa kabila ng mahabang pakikibaka, sinabi ni Carpio na hindi dapat hayaan ng Pilipinas na angkinin ng China ang WPS.

Ayon naman kay progressive group Akbayan Citizens Action Party president Rafaela David, ang mga mangingisdang Pilipino ang pinakaapektado sa sigalot.

“Filipinos are not going to be bullied and we are part of the fight. We need moving forward, a whole of nation approach. We must show China that we are standing for our sovereignty,” giit niya.

Noong nakaraang linggo, hinarass ng anim na Chinese Coast Guard (CCG) at maritime militia vessels ang Philippine Coast Guard (PCG) vessel BRP Malabrigo habang naglalayag patungo sa Bajo de Masinloc, o Scarborough Shoal.

Dalawang beses tinangka ng Philippine vessel na makarating sa pinagtatalunang reef, subalit pinigilan ito ng mapanganib na pagmamaniobra ng CGC at Chinese maritime militia vessels.

Ito ang pinakabagong insidente ng pagharang ng Chinese vessels sa Filipino ships. Noong 2016, ibinasura ng international court ang massive claims ng China sa halos kabuuan ng South China Sea. Patuloy ang pagbalewala ng China sa nasabing desisyon. RNT/SA